dati, ang madalas na isinasagot ko kapag tinatanong ako kung kumusta naman ako at ang buhay ko ay
"okay lang, buhay pa naman kahit papaano" o kaya eh "humihinga pa".
minsan pa nga, pakiramdam ko miserable ang buhay ko, maraming ka-dramahan at mga bagay na tumutuliro sa isipan.
ganun siguro kapag marami kang gusto na hindi mo makuha.
kapag marami kang gustong gawin pero imposible mong magawa.
kapag nakikita mo ang mga kakulangan at kahinaan mo na hindi mo nakikita sa ibang tao.
tawag dun, bitter 'di ba?
inggitera pa nga minsan eh.
katuwiran ko, tao lang naman kasi ako na walang kakayahang paglabanan ang mga ganung nararamdaman.
pero minsan may mga bagay akong nakikita na nakapagpapabago sa mga baluktot kong pangangatuwiran at pananaw sa buhay.
namumulat ako mula sa mga kababawan ko at mga walang katuturang bagay-bagay na pinipili kong pagka-abalahan.
pauwi kami ng nanay ko galing sa despedida ng mga kamag-anak naming babalik na sa Amerika. nag-bus lang kami at pasado alas-dose na ng makarating kami sa terminal. medyo badtrip ako, kasi may pasok pa ko kinabukasan at napuyat na naman ako. tapos, nakita ko si manong na di ko alam kung mahimbing ba ang tulog. malamig noong gabing iyon pero wala man lang siyang kumot. napaisip ako. kung badtrip ako, ano na lang kaya si Manong?
nag-aabang ako ng jeepney pauwi at kasalukuyang umiinit ang ulo ko kasi walang pa-Capas na dumadaan. kung kelan pa naman nagmamadali akong umuwi at may pupuntahan pa ako.tapos biglang sumulpot sa harapan ko si Lolo na hinahatak patalikod ang kanyang pedicab (di ako sigurado kung anong tawag dito sa totoo lang). nasira ang gulong sa may harapan kaya kailangan niya itong hatakin hanggang sa kung saan man siya pupunta. hindi sa pagda-drama pero gusto ko talagang maiyak ng makita ko siya. matanda na at mukhang wala pa siyang kasama, hindi ko lubos maisip paano niya nairaraos ang isang araw sa kaniyang buhay. bakas sa mukha niya ang pagod, gutom at tila nawawala na siya sa kanyang sarili.
ako na nasa maayos namang pag-iisip at may maayos na buhay ay minsang nawawala lang sa sarili pag sinumpong ng kasutilan at kaartehan sa katawan kahit wala naman akong karapatan.
minsan pa nga, pakiramdam ko miserable ang buhay ko, maraming ka-dramahan at mga bagay na tumutuliro sa isipan.
ganun siguro kapag marami kang gusto na hindi mo makuha.
kapag marami kang gustong gawin pero imposible mong magawa.
kapag nakikita mo ang mga kakulangan at kahinaan mo na hindi mo nakikita sa ibang tao.
tawag dun, bitter 'di ba?
inggitera pa nga minsan eh.
katuwiran ko, tao lang naman kasi ako na walang kakayahang paglabanan ang mga ganung nararamdaman.
pero minsan may mga bagay akong nakikita na nakapagpapabago sa mga baluktot kong pangangatuwiran at pananaw sa buhay.
namumulat ako mula sa mga kababawan ko at mga walang katuturang bagay-bagay na pinipili kong pagka-abalahan.
************
pauwi kami ng nanay ko galing sa despedida ng mga kamag-anak naming babalik na sa Amerika. nag-bus lang kami at pasado alas-dose na ng makarating kami sa terminal. medyo badtrip ako, kasi may pasok pa ko kinabukasan at napuyat na naman ako. tapos, nakita ko si manong na di ko alam kung mahimbing ba ang tulog. malamig noong gabing iyon pero wala man lang siyang kumot. napaisip ako. kung badtrip ako, ano na lang kaya si Manong?tinulugan siguro ang pagka-badtrip.
***********
nag-aabang ako ng jeepney pauwi at kasalukuyang umiinit ang ulo ko kasi walang pa-Capas na dumadaan. kung kelan pa naman nagmamadali akong umuwi at may pupuntahan pa ako.tapos biglang sumulpot sa harapan ko si Lolo na hinahatak patalikod ang kanyang pedicab (di ako sigurado kung anong tawag dito sa totoo lang). nasira ang gulong sa may harapan kaya kailangan niya itong hatakin hanggang sa kung saan man siya pupunta. hindi sa pagda-drama pero gusto ko talagang maiyak ng makita ko siya. matanda na at mukhang wala pa siyang kasama, hindi ko lubos maisip paano niya nairaraos ang isang araw sa kaniyang buhay. bakas sa mukha niya ang pagod, gutom at tila nawawala na siya sa kanyang sarili.ako na nasa maayos namang pag-iisip at may maayos na buhay ay minsang nawawala lang sa sarili pag sinumpong ng kasutilan at kaartehan sa katawan kahit wala naman akong karapatan.
(noong hapon na iyon, pikon na naman ako kasi wala akong sundong sasakyan palabas ng Fontana dahil kung meron sana eh mas maaga at walang hassle akong makakauwi.)
samantalang hayun si lolo, hirap na hirap sa paghila ng kanyang pedicab at hindi malayong mahagip ng mga humaharurot na sasakyan. ang bigat isipin na mayroong mga kagaya niya na nabubuhay sa ganitong kalagayan.
hindi pare-pareho ang mga tao at ang mga problema na mayroon tayo.
may mga problemado pero mas may mga problemado, tipong malapit ng matuliro sa pagka-aburido. kaniya-kaniya kasi tayo ng mga kasalimuotan na pasan.
kaya ako ngayon, mas gusto ko na ang tumulong kaysa sa ako ang tulungan at kaawaan.
badtrip talaga minsan ang buhay.
pero kung alam mo lang itong sakyan,
lagi mo pang ipagpapasalamat at humihinga ka pa
at masaya ka naman kahit miserable minsan :p

No comments:
Post a Comment